May idudulog lang akong problema tungkol sa pagbebenta ng lupa't bahay na nakapangalan sa taong pumanaw na. Ganito po ang kabuan ng kuwento: Ang nasabing ari-arian ay isang ancestral property na naipundar ng mga ninuno ng biyenan kong babae. Ito po ay naipangalan sa kanya (ayon sa kuwento ng mrs ko) nang nagkaroon po ng cadastral project ang munisipyo sa kadahilanan lahat ng mga kapatid nya (biyenan ko) ay mga citizens na sa ibang bansa. So by document, parang siya na ang nagmamay-ari ng nasabing ari-arian. Namatay siya na walang iniwan na last will of testament. (naunang namatay ang asawa nya). Sa ngayon, ang mga nabubuhay na kapatid ng biyenan kong babae ay gusto nang ibenta ang nasabing ari-arian. Ang mga anak ng mga pumanaw nang kapatid ay intresado din sa kanilang magiging parte. Ang tanong ko po ay paano po ba mabebenta ang nasabing ari-arian? By document po, ang lumalabas na "legal heirs" ay ang aking asawa ko at ang kanyang mga kapatid. Pero batid nila na ang tunay na nag-mamay-ari ng property ay kanilang ina at ang kanyang mga kapatid. Ano po ba ang magandang gawin nila? Ano po ba ng tamang processo sa problemang tulad nito. Sana po mapaliwangan ninyo po kami.
Gumagalang,
Ley Man