Ask ko lang po.. may kinakasama po kasi ako ngyon. Inamin nya po sakin na nkpag hiwalay sya sa asawa nya dahil nalaman nya na kasal yung lalaki sa iba.. may 2 na anak sa una at sa kanya isa.. and sinasaktan din kasi sya kapag galit ung lalaki.. problem is walang alam ang magulang.. ngayon lumutang ung lalaki at pabor ang magulang ng babae dahil wala pong alam na problema ever since..
1. Hawak ko po ngyon ang marriage contract ng lalaki sa una.. dated may 2003
2. Hawak ko din po ang marriage contract ng kinakasama ko dated feb. 17 2009
3. Hawak ko din po ang birth certificate ng bata dated may 27 2009 10 days before wedding..
4. Ayaw nya po ako iwan at gusto nya po sumama sakin at nagsasama po kami.
5. Kinukulong po sya ngayon ng magulang nya at pinagkakait sa kanya ng magulang nya at nung lalaki na makasama nya ang bata.
MY QUESTION IS.
Pwede po ba kami magsama at malaki po ba ang tyansa na ma void ang kasal nila, makuha nya ang bata.
Paano po ba ang proseso..
Maraming salamat po sana ay matulungan nyo ko para makatulong din po ako sa iba na may parehas na kaso.. mabuhay po kayo..