Nagpaextend po ako ng bahay ko last year. Nagpirmahan po kami ng kontrata tapos may witness pa pero na left blank yung date of completion. Noong time na yun, nagtiwala kasi ako sa contractor na yun dahil matagal na siyang nag aayos ng mga bahay sa subdivision na yun. Ginawa naman yung extension pero ang problema, hindi na tinuloy halos mag 5 months na. Fully paid ko na po yung contractor tapos simula nun mahirap na siyang kontakin at laging may dahilan. Ang malala pa po, the past 2 weeks, hindi na niya sinasagot yung tawag ko.
Pwede ko ba po siyang kasuhan kahit doon sa kontrata, walang laman yung date of completion? Ano po kayang action ang magandang gawin para dito. I need your advice po atty.
Maraming salamat.
UPDATE: Nagkaroon po kami ng verbal agreement last July na matatapos niya sa August yung construction. Pwede ko po bang ilagay sa kontrata yun ngayong hindi ko na siya makontak?
Last edited by garrett.walt on Thu Sep 11, 2014 11:55 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : Added additional info)