1. pwede po ba na tourist visa muna ang kunin niya at saka nalang po iaapply ng non quota immigrant pag nasa pilipinas na kami?
2. gaano po katagal ang processing para sa non quota immigrant visa since 59 days lang yung tourist visa niya?
3. kung sakali na ma-grant po yung non quota niya, pwede ba na sa kanya ipangalan ang business license/permit at yung mga ari arian na pwede mabili?
4. kung sakali po na hindi pwede ipangalan sa kanya, ano pong visa/permit ang pwede kuhanin para mailagay sa pangalan niya ang mga assets?
5. regarding po sa pag aaral ng anak ko, 2 years old pa lang sya sa ngayon, pag pumasok na sya kailangan niya po ba ng student visa para makapag aral?hindi pa po kasi filipino citizen ang anak ko.
pasensya na po sa makukulit kong tanong, gusto ko lang maliwanagan. nagbasa ako sa website ng BI pero sadyang naguguluhan po ako hindi ko maintindihan.