My daughter is already 3 years old. Naghiwalay po kami ng father ng anak ko 2 months after ko manganak, after po nun wala ng communication or sustento..
When my daughter turned 2, bumalik po yung father nung anak ko at aayusin daw namin ang relasyon namin, tinanggap ko siya dahil nakita ko sa anak ko kung gaano sya kasabik sa daddy nya.. After 3 months, nahuli ko po na my ibang girlfriend yung father ng anak ko, nakipahiwalay ako dahil mas pinili nya yung babae kesa samin.
We are both working in a BPO industry. He is now a product trainer. Nais ko po sanang mag demand ng child support since my daughter is going to school by next year. Hindi po kami kasal pero acknowledge nya yung bata, gamit ang last name at naka pirma sa birth certificate. Nais ko po sanang malaman kung paano ang magiging process ng ganitong issue?
wala po kaming contact sa isat isa pero alam ko po kung saan sya nakatira at nagtrtrabaho.
- Ano pong pupwedeng legal na gawin pra maubliga syang magbigay ng sustento?
- Dadaan po ba kami sa hearing? Papano po kung hindi nya pansinin ang dinedemand ko, ano pong mangyayari?
- ppwede po bang mag direct ako sa HR ng opisina nila? (ang sabi po kasi ng kaofficemate ko, kapag my mga legal papers ako na ppwedeng ipakita, ppwede akong lumapit sa HR ng opisina nila at iuubliga na bawasan ang sahod nya, papano po ang tamang proseso?)
Thank you.