Ano po legal implications nito?
- Nag-issue ako ng "undated" cheques kapalit ng investment nila sa plano kong business noon na nalugi na. Nag-issue ako ng 50 thousand nung una pero wala iyong date, katunayan lang na nagbigay sila sa akin ng 50 thousand. Then, nag-issue uli ako ng dalawa pang tig-10thousand. Lahat ng tseke na ito ay walang date.
Noong in-issue ko ang mga tseke na ito, hindi pa closed account. After one year and one month since I issued the cheques, my account closed. Until now, hindi pa naman nila ipinapapalit iyong undated cheques sa dati kong bangko.
-Nalugi po iyong negosyo namin. Sa 70k na investment nila, mga 44k ang naibalik ko sa kanila nung kumikita pa iyong negosyo nung mga unang buwan.
-Ngayon, nag-insist sila na bayaran iyong napag-usapan namin na 5% monthly interest sa investment nila. Walang-wala na po talaga akong pera at hindi ko naman kagustuhan na malugi ang negosyo. Hindi po ba nasa usury law na bawal itong unconscionable interest na ito, parang 60% per annum ang lumalabas?
-Hirap na hirap na po ako. Tinago ko ito akala ko kakayanin ko. Natatakot naman po ako ma-demanda. Hindi ko sila tinataguan, hanggang opisina tumatawag sila at kinakausap ko. Nagte-text sila at nagre-reply ako at humihingi ako extension.
-Nagbanta na sila na ide-demanda ako. Tumawag sila sa office ko at kinausap iyong Human Resource Manager namin at idinetalye niya sa HR Manager namin na may utang ako sa kanila ng mahigit 100 thousand. Hindi na po tuloy ako nakakapasok sa opisina dahil ipinapahiya ako tungkol sa utang ko. Pati po ang isip ko ang gulo. Lagi rin po ako nagkakasakit.
-Ipapasa na raw nila iyong demand letter sa akin.
Ito po muli ang tanong ko.
1. Ano po ang implication ng undated cheques na na-issue ko noong active pa iyong account ko, pero ngayon ay closed account na? Maaari po ba akong makasuhan ng estafa at violation of BP 22?
2. May obligasyon pa po ba akong bayaran iyong mga ipinangako kong interes na 5% monthly kahit nalugi na iyong negosyo?
3. Feeling ko tinatakot nila ako at pinipiga na bayaran ang hangga't kaya ko. Tingin nila malakas ang posisyon nila kasi may hawak sila na tatlong (3) undated cheques na pirmado ko. Puwede ba ako mag-demanda ng threat (panakot nila lagi ay ide-demanda nila ako)? Puwede rin po ba moral damages, defamation, at unjust vexation (hindi na po ako makapasok sa office kasi nahihiya ako na parang guilty na at sinabi pa sa HR Manager namin ang pagkakautang ko; nagkakasakit na rin ako at lagi akong malungkot.)
Advice naman po. Maraming salamat.