meron lamang po akong katanungan at kung maari ay hihingi narin po ako ng tulong.. Ako po ay may anak n babae na mag tatatlong taon na. Sa live birth po nya na galing sa munisipyo ng leyte ay aking napansin na maraming error sa mga informations, katulad n lamang po ng middle name ko bilang ama nya , mga maliliit na detalye tungkol sken, at yung pirma ko po ay iba, Ang nangyari po kasi ay hindi naman po kme kasal ng kanyang ina at noon ay hindi kami in good terms at walang communication noong ipinagbubuntis nya ang anak namen. Hindi nya idiniklara na hindi ko pananagutan ang bata sa pag asang mag kaayos p kami at mabuo ang aming pamilya, na fill-upan nya ang section para sa mother side pero naging pending ang father side dahil wala ako, ang sabi sa kanya ng taga munisipyo bago nya makuha ang live birth kaylangan ng aking detalye at pirma, ang ginawa po ng nanay ng aking anak ay pinapunta nya ang kanyang tito sa munisipyo at nag panggap na ako, sya ang naglagay ng pangalan ko at iba pang detalye sa live birth ngunit ibang middle name ang nailagay nya at ang pirma iba din dahil hindi ako sya. Kinaylangan nilang kunin agad ang live birth para makasakay ng eroplano paluwas ng maynila. Nakaluwas sila ng maynilang mag ina at nahanap ako ,doon ay binuo namin ang aming pamilya, tinangka kong ipaayos sa munisipyo ang mga error ng live birth ng anak ko ngunit sinabihan ako na maaayos lang iyon sa NSO kpag 3 years old na ang anak ko. Anu po ba ang mga hakbang na dapat kong gawin upang maiayos lahat ng information sa birth certificate ng anak ko? totoo po bang 3 years old bago mag karon ng NSO copy? maaari pa po bang i-rehistro ko ng panibago ang aking anak so that this time tama na lahat ng inpormasyon? Sana po ay matulungan nyo ko and thanks in advance.