Need advice lang po regarding sa lupa ng lola ko (my mother's mom). Nong nagkasakit po siya (year 1994), yong tita (niece ng lola ko) at ang bf nia nagbantay sa kanya sa hospital. Sabi ng lola ko kapag nagkatuloyan daw si tita at bf nia, doon daw sila magtayo ng bahay sa lupa ng lola ko. Sumang-ayon naman c mama ko. Only child lang mama ko. Namatay si lola nong 1994. Nagkatuluyan naman c tita at bf nia. So nagtayo sila nang bahay sa lupa ni lola. To make the story short, namatay ang mama ko last 2007. Unfortunately hindi niya natapos asikasohin ang lupa na supposed to be e transfer niya sa pangalan nia. Nakapangalan pa sa lola ang Tax Declaration ng lupa. Yong lupa po pala ay nasa province ng Cebu at along the road po. Pag kaka alam ko ang value na po sa lupa doon sa province is 2k/sq meter. Ngayon po kasi nag ask c tita ko magkano daw binta ko sa kanya sa lupa. Sabi ko 1k/sq meter lang kasi kamag anak nga kami pero pwede pa siya tumawad. Pero nagalit po siya kay 150/sq.meter lang daw sabi ng mama ko noon sa kanya. E wala naman silang written aggreement na yon talaga ang price. Ngayon galit siya sa akin at minura nia pa ako. Sobra akong nasaktan kasi po hindi ko akalain na magagawa nia sa amin to. Akala daw nia na forever na xa tumara sa lupa nang lola ko kasi yon ang sabi sa kanya. Ibig bang sabihin na may mas karapatan siya sa lupa kaysa sa amin mga apo nang lola ko? Hawak nia po ang original papers nang lupa. Tanong ko po, maagaw ba nia ang lupa? 16 yrs na cla nakatira don eh.. Ano po bang dapat kong gawin? Plano ko kasi mag give.up nalang pero sayang eh. Sa lola ko yon or sa mama ko na pinamana na sa amin.. Pls help po..
Take Care.
Regards,
Yen.