Magtatanong lang po sa rights ko bilang tatay ng anak ko, bale nagkaroon ako ng gf na may asawa na, at may 2 anak, ang sabi nya noon ay naghiwalay na sila pero still filed as married pa rin as per legality is concerned. Then nagkaanak po kami, then I found out na sila pa rin ng asawa nya at magkasama pa rin sila. Nung isang beses na gusto kong isama sa opisina yung bata ayaw nyang payagan dun na nagsimula na di na nya ipakita sakin yung bata. Sinusuportahan ko pa din ang bata up until now kahit na di ko sya nakikita for almost a year na. Ano po ba ang karapatan ko bilang tatay ng bata? Sa akin po nakapangalan ang bata at higit sa lahat, mula sa pagbubuntis nya hanggang ngayon ay sinusuportahan ko pa din ang bata. Ang alam ko, long shot po ang pagfile ng custody ng bata, pero sa visitation rights may panalo po ako kahit papano, kahit po bagong address o bahay nila di ko alam. San po ako magfile ng kaso nun para sa rights ko? Sana po masagot nyo agad.
Salamat po