Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Kapag namatay na ang inutangan

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Kapag namatay na ang inutangan Empty Kapag namatay na ang inutangan Mon Jul 28, 2014 7:17 pm

Chechelia

Chechelia
Arresto Menor

Magandang araw po. Nais ko lang po malaman kung ano ang batas tungkol dito...
Year 1998, kinausap ang byenan ng may-ari ng inuupahan nilang bahay. Dahil sa titira na doon ang anak ng may-ari, pinahiram nya ng halagang 250,000 ang aking byenan upang ipagawa ang kanilang lumang bahay(bahay ng aking byenan) at doon na tumira. Ayon sa kanilang napagkasunduan, maaari magbayad ang byenan ko kung kailan sya nakakaluwag. Ang pag-uusap na ito ay sa pagitan lamang ng aking byenan at ng babaeng may-ari ng paupahan. Naghuhulog ang byenan ko ng 2000 kada buwan simula 1999 ngunit walang resibo. Dahil sa tiwala naman sila sa isa't isa at matagal ng magkakilala. Pagkalipas ng ilang taon ay namatay ang nasabing matandang babae. Ngunit patuloy parin sa paghuhulog ang aking byenan na sa asawang lalaki na inaabot ang hulog.

Dumating ang panahon na inilabas na ng asawang lalaki ang kanyang mga anak sa labas maging ang kabit nito na siyang kasama nya ngayon sa bahay.

Ngayon, ay nais na kunin ng matandang lalaki ang bahay ng aking byenan dahil hindi daw nito nababayaran ang utang. Kabaligtaran sa sinabi niya, ay patuloy parin ang paghuhulog ng aking byenan hanggang ngayon. Napag-alaman namin na kaya pala gusto ng niya kunin ang bahay ay para may matirhan ang anak ng kanyang kabit at anak nya sa labas... Nagreklamo sa barangay ang matandang lalaki upang mapaalis ang byenan ko sa bahay.

Ano po ba ang dapat gawin ng aking byenan? Iyon na lang po ang natitira sa kanya. Masasayang po ba ang lahat ng inihulog nya?

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum