Pahingi po ulit ng advice. Malapit na po akong magsix months sa work ko as personal secretary. Ako lang po sa office ng boss ko kaya trabaho ko lahat pati na rin sa admin. Hindi po ako experienced sa administrative work but I'm embracing the task given to me. Yung naghire sa kin interpreter ng boss ko (kasi hindi marunong mag-english ang boss ko) hiningan ko sya ng contract noon ang sabi nya "wala pa sa ngayon." Ngayon wala na si interpreter (he was fired out). Until now wala pa rin akong contract. Tanong ko po:
1. Ako po ba ang dapat gumawa ng contract ko?
2. Mareregular po ba ako after six months kahit wala kaming contract signing?
3. After six months balak ko pong magpropose ng 5-day work a week, restday po ng weekends. Kasi po pumayag po ako noon na Sunday lang ang restday ko. Possible po na pumayag ang boss ko pero sa pagkakakilala ko sa kanya malamang bawasan din nya salary ko (monthly-paid po ako). Dapat po ba akong pumayag sa bawas sweldo kasi nabawasan din araw ng trabaho ko? Hindi ho ba ako lugi dun? Kasi instead na tumaas sweldo ko bababa pa.
Thank you po in advance!