Ako po ay isang OFW,age 40. Nagpakasal po ako sa isang lalake na kasal sa una. Hindi alam ng side ng asawa niya. Me kakutsaba po ako na friend pr maikasal po kami. Isang Reverend/Reverent sa bahay niya naganap ang kasal namin. Lingid sa kaalaman ng nagkasal na me unang kasal ang lalaki. Me usapan kami ng friend ko na hindi iparehistro ang kasal ko ngunit sa kasamaang palad ito ay narehistro. So me record npo sa NSO ang kasal ko. Ayoko po gumastos ng super sayang ang pera. Ano at paano po dapat gawin pr po akoy makapag pakasal muli ng tunay. dhil tyak po hahanapan po ako ng CENOMAR lalo't nandito po ako sa ibang bansa.
Diko po sinsisi ang batas ngunit me gusto po sana ako iparating...
Opo at pagkakamali ko po ang magpakasal sa isang taong kasal sa una pero sana naman po dahil computer age napo tayo sana nade detect na muna ang mga naunang kasal bago maiparehistro ang panibagong kasal.
Salamat po