Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password

You are not connected. Please login or register

Theft in Condo - is bldg owner / management liable?

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

josh_ph

Arresto Menor

Hi Atty,

Need your advice please. Nanakawan kami sa condo unit na nirerent namin last Tuesday (June 24), may signs of force entry kasi may marks yung door knob at yung kahoy. May cctv yung condo pero mukhang nag malfunction nung araw na yun at walang recording (we are still waiting their IT na marecover yung recordings).

May chance ba na mapabayaran namin sa building owner (sila rin owner ng unit) yung mga items na nanakaw samin? Kasi yung condo namin sa gabi lang may security guard at sa umaga mga admin lang ang nagbabantay. May mga incidents na naiiwan nilang bukas ang gate at minsan wala sila sa ground floor para magbantay kasi pinaglilinis din sila ng bldg. Pag sinampa ko ba to sa court may chance akong manalo? Malaki-laki kasi yung amount ng mga nawala samin  Sad

Thanks in advance

council

council
Reclusion Perpetua

josh_ph wrote:Hi Atty,

Ano ang sabi sa lease agreement ninyo? Meron bang nabanggit tungkol sa security sa mga papeles na pinirmahan ninyo?

http://www.councilviews.com

josh_ph

Arresto Menor

Sir Council,

meron pong clause sa contract regarding injury or damage

"INJURY OR DAMAGE

The LESSOR shall not be liable for i) the presence of bugs, vermins, ants, termites, insects, if any, in the Leased Premises; ii) the failure of water supply and/or electric current; iii) any injury, loss or damage arising from the acts or negligence of the LESSEE or its agents, employees, representatives or any and all other persons."

pag ganito po ba wala na kong habol?

council

council
Reclusion Perpetua

josh_ph wrote:Sir Council,

Baka meron kang habol kung mapatunayan na ang loss or damage ay hindi dahil sa inyong kagagawan or kapabayaan (negligence).

http://www.councilviews.com

josh_ph

Arresto Menor

sir, bale naghearing na kami sa barangay and ang defense nila is nag-advise daw sila samin na maglagay ng double lock kasi hindi provided to ng building. bumili wife ko ng lock tapos nagsabi kami sa kanila na magpapakabit kami, at sabi nila wala pang available na karpintero hanggang sa umabot na ng 2 months wala pa rin. since 6 months lang kami magrent and 4 months to go di na kami nangulit sa kanila magpalagay ng double lock. Negligence po ba on our end yun?

tiyaka hanggang ngayon wala pa rin yung cctv footage.

council

council
Reclusion Perpetua

josh_ph wrote:sir, bale naghearing na kami sa barangay and ang defense nila is nag-advise daw sila samin na maglagay ng double lock kasi hindi provided to ng building. bumili wife ko ng lock tapos nagsabi kami sa kanila na magpapakabit kami, at sabi nila wala pang available na karpintero hanggang sa umabot na ng 2 months wala pa rin. since 6 months lang kami magrent and 4 months to go di na kami nangulit sa kanila magpalagay ng double lock. Negligence po ba on our end yun?

tiyaka hanggang ngayon wala pa rin yung cctv footage.

Yes, it may be negligence on your end.

Check your contract kung ano ang nakalagay na pwedeng gawin ninyo na mga construction or repair sa inuupahan ninyong condo unit. Kung nakasaad na pwede kayong gumawa ng minor repairs or installation at inasa nyo sa kanila na gumawa, baka nga meron din kayong pagkukulang.

http://www.councilviews.com

josh_ph

Arresto Menor

sir, meron nakalagay sa contract na

"THE LESSEE shall not make any alterations or improvement on the Leased Premises without the written consent of the LESSOR. THE LESSEE may remove all alterations or improvements made with the consent of the LESSOR as long as these do not deface or injure any portion of the Leased Premises."

wala kaming nareceived na written consent pwede ba yun? kung negligence on our part to, may negligence din ba sa part nila kasi nakapasok sa gate ng condo at nasa 2nd floor unit namin. tiyaka may cctv sir pero wala ring nagbabantay, tapos wala ring security guard sa umaga. sa tingin niyo po?

Sponsored content

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum