Actually, nung huling meeting namin tinanong ni piskal yung kalaban ko kung sasagutin pa ba nya yung counter ko, which she answered no. so ang sabi ni piskal " ok, so subject for resolution na ito" then pinapirma na kmi sa minutes. then after almost 2 weeks nagbago siguro isip ng kalaban at nagsubmit sya ng reply affidavit nya kasama ang motion to open preliminary investigation at nakalagay doon ang reason kung bakit di sya nakapag submit ng reply to my counter affidavit. tapos kasama na din dun yung reply affidavit nya. kaso ang nagpadala sakin ng copy ng lahat ng yun ay yung kalaban din via LBC pero when i check the documents may received stamp ng prosecutor's office yung document pero lahat ng documents puro galing sa kalaban. wala ni isang paper or order coming from the prosecution. kaya di ko alam kung na grant ba yung motion niya at hanggang kelan ko puwedeng sagutin yung reply nya as my rejoinder. binabantayan ko kasi itong case ko na ito kasi i was just framed up and everything n sinasabi sa statement ng kalaban ay hindi totoong nangyari. Estafa case po ito. Nagulat na nga lang po ako ng mareceive ko subpoena kasi wala naman akong alam na ginagawang illegal or masama. Ni hindi ako tinawagan ng kalaban for questioning, walang demands or demand letter, ni hindi dumaan sa baranggay. pinalabas nya na di na daw ako matagpuan at di na makontak. where in fact di ako nagpapalit ng number, dun parin address ko naka kalat pa iyon sa ads kasi may business ako and friend pa kami sa facebook. pinag block nalang nya ako nung nag first meeting n kmi sa piskal's office. ang gulo nga po eh.