May kaibigan ako na nanghiram ng pera na tutubuan niya ng 5% sa apat na buwan. At gagamitin niya sa pagorganisa ng mga event sa kanilang grupo. Ang kabuuang pera na hinihiram niya ay P100,000. Nabigay ko ang P50,000 at sinabi ko na ibibigay ko ang natitirang P50,000 kung magkakaroon ako ng extrang pera. Nagbigay siya ng 4 na tseke na tig P30,000 kada buwan mula Mayo, Hunyo, Hulyo at Agosto. at sa dahilan na malapit na ang aking kasal kaya di ko na nabigay ang kulang na P50,000. Dahil ayaw ko mawalan ako ng pera sa mga biglaang gastusin. Ang aking ginawa na lang ay ideposito ang mga tseke ng Hunyo at Agosto. Hunyo bago ang takdang araw ng kasal ko ay inabisuhan ko siya ng akin ng idedeposito ang tseke na dated ng Hunyo. Siya ay nakiusap na kung pwede ay idelay muna ang pag deposito ng tseke. Wala akong nagawa kung hindi idelay at manghiram muna ng pera para sa gastusin sa aking kasal. Dumating ang Agosto na idedeposito ko na ang huling tseke na dated ng Agosto, muli siyang nakiusap na idelay muna ang pag deposito ng tseke. Ako ay nabahala na sa dahilan na ito na ang huling tseke na kanyang inissue sa akin, kaya aking dineposito ang mga tseke na napagalaman ko na ang account niya pala ay sarado na at bumalik sa akin ang mga tseke sa kadahilanang "Account Closed". Ipinagbigay alam ko ang pangyayaring ito sa kanya sa pamamagitan ng text messages. Nangako siya na babayaran niya ang kabuuang hiniram niyang pera kasama ang tubo ng Septyembre, kami ay nagkaroon ng kasulatan na kung hindi niya babayaran ang pera na hiniram niya ay sasampahan ko siya ng kasong estafa at B.P. 22. Dumating ang takdang araw ng aming napagkasunduan sa kasulatan ngunit hindi siya nagbayad. Noong araw din na yun ay nagpunta ako sa Baranggay para ipagharap siya ng reklamo. Sa apat na hearing na tinakda ng baranggay ay nung huling dalawang beses lang siya humarap. Ang gusto ko pong mangyari ay bayaran niya ng buo ang kanyang hiniram na pera sa kadahilanang malapit ng manganak ang aking misis sa huling lingo ng Oktubre. Ang gusto niyang mangyari ay bayaran niya ng limang buwan ang hiniram niyang pera. Ayaw ko ng maniwala sa mga pangako niya sa dahilan na kung nagawa niyang hindi magbayad kahit na nagissue siya ng mga tseke lalo ng walang kasiguruhan na tuparin niya ang kanyang pangako. Ang gusto kong pong manyari ay idaan sa legalidad at kung hindi niya tuparin ang kanyang pangako ay makakasuhan siya.
Ang tanong ko po ay:
1. Tama po ba ang proseso sa baranggay na apat na beses na hearing kada lingo at sampung araw bago ibigay ang letter to file a case sa prosecutors office?
2. Magkano po ang fees sa pagsampa ng kasong estafa at B.P. 22 sa aking kaso?
3. Kinakailangan ko pa bang magkaroon ng lawyer sa pagsampa ng kaso?
4. Ano ang mga dapat na claims na aking ihabla laban sa kanya?
5. Ilang lingo po tumatagal ang mga kasong tulad nito?
Pinapaabot ko po ang aking pasasalamat sa inyong pagtugon sa aking mga katanungan.