Good day po. May problema po kami ngayon sa lupang minana ng aking papa sa kanyang magulang. Ang aking lola ay kapatid ng isang tagapamahala ng isang hacienda dati. Dahil sa kapatid nyang iyon, nabigyan ang akin lola ng lupain sa ilalim ng Land Reform Act na syang naging hanap buhay ng aking mga lolo at lola. Dumating ang time na yung kapatid ng lola ko, ibebenta na nya yung lupa nya para maipakasal ang anak nya. Ninais makipagpalit ng asawa ng lola ko ng lupa. Instead na yung lupa ng kapatid ng lola ko ang ibenta, yung lupa ng lola ko na lang ang ibebenta sa kadahilanang hindi ito agad nababaha. Ok ang usapan, may pinirmahan ang mga anak ng dating may ari (mga anak ng kapatid ng lola ko) na patunay na ang aking papa na mag mamanage sa lupang iyon. Maski ang asawa ng kapatid ng lola ko ay pumirma. 1.5years ago, may sulat na dumating galing Land Bank, pinadala sa address ng kapatid ng lola ko na ngayon ay yumao na. Mga anak nya ang nakareceive. Nakita nilang hindi pa nabayaran ng papa ko sa Land bank ang lupang iyon. At minadali nila itong binayaran para mapalagyan ng title.
Hawak pa rin ng papa ko ang kanilang pinirmahang kasulatan noon, notaryado din po iyon. Hawak din nya mga receipt ng tax mula nung sya na nagmanage sa lupa.
Ano po ang dapat gawin ng papa ko? Sa pagkakaalam ko nakakuha na sila ng title nung lupa at pinangalan sa kapatid ng lola ko.
Salamat