Nagkaron po kasi ng contest (March 18, 2014) sa university namin, and kasali po ako dun at nanalo po ako ng 1st Place.
Nung nagmeeting kame with the organizers about sa magaganap na contest. Sinabi nila na makakatanggap daw yung mananalo ng pera with certificate.
1st Place = 5,000
2nd Place = 3,000
3rd Place = 2,000
Pero sinabi din nila na after 1 month pa makukuha yung prize kase irerequest pa sa student council yung pera.
May binigay din silang contact no. para kung may tanong daw magtext lang daw.
After nung contest, di na ulit ako nagtext until mag-April. Nagtanong ako kung pwede ng kunin yung prize, sabi nila hindi pa daw. So nagantay ulit ako.
April 18, 2014, 1 month after the contest, nagtext ako sa number na binigay nila saken. Sabi nya pumunta daw ako sa university namin at magbigay ng photocopy ng registration card (parang ID na din) ko. I wasn't able to go agad so mga April 23 na ata ako nakapunta but nabigay ko naman sa organizer na kausap ko. Maghintay daw ulit ako ng 1 week para maprocess.
Nagintay ako ng 1 week without texting him. Then nung nagtext na ko, I got no replies from him. The next day nag text ulit ako, wala padin. Until now, mahigit 2 months na after the contest, wala pading update about sa prize.
May magagawa po ba ko para mapabilis yung pagkuha ng prize? Or pwede po ba kong magreklamo? Ano po ang maganda kong gawin?
P.S.
Wala po kaming kasulatan na nakalagay na may prize ang naging contest. Pero marami pong witness (other contestants) na nakarinig at nakakita na yung organizer na kausap ko ay nagsabing magkakaron ng prize.
Wala din po akong update sa 2nd Placer at 3rd Placer kung nakuha na nila yung prize nila.
Maraming salamat po sa inyo!