Ang nangyari po, yung timesheet ng April 16-30 ay isinama ko yung May 1-7 kasi po yung project namin is hanggang may 7 lang. Wala pong pumuntang messenger sa amin para kunin yung timesheet. So natapos na yung contract, what i did is pinagsama ko yung days ng april 16-30 at may 1-7 para isang pirmahan na lang ng bisor ng project. In-email ko yung scanned copy ng timesheet para maisama sa payroll at makasweldo ako ng May 15. pero hindi po ako nakasweldo, tinanong ko yung company kung bakit hindi ako nakasweldo. ang sabi po nila kasi daw pinagsama ko yung dalawang payroll so sa last pay na daw yun which is after 30 days pagkatapos ng clearance. So i asked for a resolution, sabi nila gawa ako ng letter to release my salary. ginawa ko na po and until now waiting po ako sa reply nila pero wala.
Aminado akong mali ko na pinagsama ko yung dalawang payroll days pero sana nung pagkapasa ko eh nagconfirm sila sa kin na hindi ako makakasweldo ng 15 kasi magkasama, sana po nagawan ko kaagad ng paraan.
pwede po kaya ako magreklamo sa labor para ma-expedite yung release ng salary or ano po kayang legal action ang pwede kong gawin, kasi po sa ngayon wala na ko savings at mapuputulan ako ng kuryente kapag hindi ako nakapagbayad at yung pamangkin ko na ga-graduate next week eh hindi makakapagmartsa kung di mababayaran yung kulang sa tuition.
Thanks in advance for your help.