1. normal lang po ba na wala po akong agreement na pinirmahan between sa akin at sa employer ko?
2.Tama po bang magpapirma sila sa mga empleyado nila ng memo na nagsasaad na kailangan naming bayaran ang nasisirang antique display sa store namin regardless kung sinasadya o hindi sinasadyang masira o kahit ang costumer pa ang nakasira nun?
3.tama rin po ba yung sususpindihin ang empleyado kapag hindi siya nakapasok dun sa araw ng mismong restday niya? (kahit po restday mo, papapasukin ka nila kapag nagkulang ng manpower. pag hindi ka makakapasok, isususpindi ka ng 3 days o hanggang 1 week.)
4. hindi po pareho ang naka state na amount ng 13th month pay namin sa income tax return namin sa actual na nakuha namin.mas malaki po yung nasa itr kumpara sa actual na nareceived namin.
5. minsan po ay 1 beses kami, ngrerestday sa loob ng two consecutive weeks at minsan ay umaabot pa ng 3 weeks.Ung isang araw po dun na dapat ay restday namin ay binabayaran ng 30%.
6. pwede ko po bang hingiin ang kopya ng employment contract na pinirmahan ko nung nahire ako?
7. nagkakaltas po sila ng losses( yung mga items na nawawala sa sales data namin pag nag-iinventory.) kahit wala po silang iniissue na computation kung magkano talaga ang losses ng isang store?
8. wala po akong natatanggap na yearly wage increase since nahire po ako nung 2009 as a contractual employee.. may increase po pero base lng po sa national wage increase.. tama po ba yun? thanks po.