aku po ay isang mambabarko, maayos ang naging trabaho ku at wala namang problema. ngunit nung pag-uwi ku ay bingyan po aku ng pangit na appraisal ng kapitan namin. ang appraisal na iyun ang nag-udlot para hindi na aku muling tanggapin ng aming principal/employer. nalaman ko po ito dahil tumawag ang agency namin isang buwan matapos akong bumaba na maghanap nlng daw aku ng ibang company. nung tinanung ku at pinilit ku pong alamin kung anu ang nangyari ay sinabi at ipinakita rin sa akin ang appraisal na ginawa ng kapitan at ang naging comento ng employer. gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sa report na iyon dahil alam kong hindi totoo ang mga pinagsusulat ng kapitan na iyon. pangalawang kontrata ko na sa companya at natapos ko po lahat na walang problema. sa katunayan nga nung una kong kontrata ay sumampa aku bilang isang trainee officer, at isang buwan lng ang lumipas ay nabigyan ako ng promotion bilang isang regular na opisyal ng barku dahil sa sikap at tiyaga. okay nmn ang umpisa ng 2nd contract ku ngunit nung malapit na matapos ang contrata ay ngkasagutan kami ng kapitan ku tungkol sa trabaho kung saan nanindigan aku na tama ang aking ginawa. humingi nmn aku ng paumanhin kinabukasan at maayos nmn ang naging samahan namin. ngunit iba pala ang isinukli niya sa aking pagsisikap. wala nmn sanang problema sa akin na humanap ng ibang companya ngunit hindi ko po matanggap na ganuun ang report niya sa akin na taliwas sa aking performance. malinaw pong nakasaad sa company manual sa barku na e-aappraise kami ayun sa aming trabaho at kakayahan at kailanmay di pwedeng isali ang personal na galit o kung anu man..at dahil sa ginawa niya, gusto ko po sanang e-counter ang report niya sa akin nang sa ganoon ay mabigyan ng leksyon ang mga taong katulad niya na malakas manira sa iba. hindi ko ipipilit ang sarili ku sa company nila peru gusto kong ipaabot sa kanya na hindi makatao ang ginawa niya..paanu po ba ang mabuti kong gawin?may kopya po aku ng appraisal ku nung ma-promote aku sa una kung contrata...sana ay mabigyan nyo po aku ng magandang payo!..maraming salamat po..