Kami po ay nagfile ng Ejectment case at natalo po ang kalaban namin sa MTC at nagissue na ng Writ of Execution ang court pero nagfile ang kalaban namin ng Petition for Certiorari which is nadeny naman na ng RTC at inapila naman ng Kalaban sa Court of Appeals, na siyang nadeny rin naman ng Court of Appeals ang kanilang Petition for Certiorari.
Ngayon po iniakyat ng kalaban namin sa Supreme Court at naglabas ng order ang SC na may TRO para sa Writ of Execution ng Ejectment.
Magdadalawang taon na po wala pa din kaming natatanggap na resulta mula sa Supreme Court kung ano po ang kanilang decision o order after nila maglabas ng TRO para ipatigil muna ng mababang korte ang pagimplement ng Writ of Execution ng Ejectment namin.
Sana po masagot ninyo kami kung ano po ang dapat gawin, ayaw po kasi ng lawyer namin munang magfollow up sa Supreme Court sa anumang kadahilanan.
Maaari po ba kaming magfile sa SC ng Motion to Resolve or kahit anong follow up po?