Maganda naman sa start pero nahuli ko siya na nagnanakaw, di niya nirerecord and sales. Noong una pinatawad ko. Nilista ko mga kalokohan niya saka ko pinapirmahan. Pero inulit uli nya few days after naming magusap.
Possible ba na makuha ko ang salon kasi puhunan ko naman ang ginamit para magbukas yung business? Ayaw kasi niyang umalis kasi daw siya ang nagpalakas ng pwesto, etc. Pati yung kita nang salon inuutang niya palagi kaya laging gipit, wala na akong nakukuhang kita nang 2 buwan.
Gusto ko nang humiwalay siya kasi wala na akong trust sa kanya. Sa kanya nakapangalan ang baranggay permit and siya rin sa contract sa aming pwesto.
Wala kaming contract na notarized. Although nakaindicate doon na 50/50 ang decision making and sa profit or loss.
Maraming samamat!