Good day po.
Magtatanung lang po sana ako kung tama po ba ang ginawa ng company na pinagtatrabahuan ko. Nagkaroon po kase ako ng absent due to my sebaceous cyst, pinatanggal ko po at nirequired ako ng doctor ko na magpahinga ng two weeks. After 2 weeks bumalik po ako sa trabaho pero apat na araw palang po ako na nakakapagtrabaho nagkaron po ako ng chickenpox kaya lumiban po uli ako ng 2 weeks uli at yun din po ang sabe sa HR namin.. Ngayun po nagpapafollow up po ako sa HR namin kung ano po ang schedule ko sa trabaho dahil nga po magaling na ako pero ang sabi sa akin wala na daw po ako schedule at di na makakabalik sa trabaho dahil sa absent ko. Wala naman po ako natatanggap na notice galing sa kanila na wala na ako trabaho. Anu po ang pwede ko gawin? Nakikiusap naman po ako sa agency at HR na kung pwede ireconsider nila ako hanggang matapos ko lang po kontrata ko ngunit ayaw pu nila magbiagy ng feedback.
Salamat po na marami.