nung nag tour po kami last year bago namin kunin ang sabi sa amin single attached. yung main house daw po ang katabi ay parking lot sa kabilang bahay. kaya talagang visible ang pagkakahiwahiwalay nang mga bahay.
pero nung nag visit kami 2 weeks ago ang nangyare sa unit namin ay yung bahay namin at bahay nung katabi namin ay magkadikit. mukha na syang duplex which is hindi ganon ang napag agreehan nung bago pa namin bilhin yung bahay. never din kaming na inform about don sa pagiging duplex nung units.
ang problema pa namin yung supposedly firewall ay parang walang halaga kasi yung bubong namin at bubong nang kapitbahay ay same level. so parang wala talagang firewall.
sa ngayon binigyan kami nang option na yung current unit pa rin ang kunin namin o ililipat nila kami sa unit na gagawin pa lang. 6 months po para matapos gawin ang bahay.
matatapos po kaming magdown sa may. at ang target sana namin ay by end of may or june ay makakalipat na kami. pero kung lilipat kami dun sa isang unit na next month pa icoconstruct ay malamang mga december pa kami makakalipat. so malaki pong gastos sa amin na instead na 1 month lang mangungupahan ay kailangan naming mangupahan nang 6 or 7 months.
ano po bang pwedeng gawin dito?