Ako po si George, bale last December 18, 2013 lumabas na po yung final judgement ng annulment case ko. Ngayon po na-i-forward na po sa NSO yung copy ng court order last Feb 24, 2014. Kumuha po ako ng CENOMAR sa NSO regional office March 11, 2014. Base po sa certification, still married parin po ako sa x wife ko. Ask ko lan po kung ano po ba ang tamang proseso para mawala na po ang record ng kasal namin. Pinapapunta po kasi ako sa main office ng NSO, dun ko daw po ayusin. Bakit po sa iba ang bilis ng proseso. May mga katrabaho po kasi ako na same case with me, 7 months lang ang annulment case nila. ako po inabot ng 3 years kahit may Psychiatric Report na po na Psychological Incapasitated ang x-wife ko at may bago n syang kinakasama. Advice lang po para tama po ang gagawin ko. Maraming maraming salamat po at umaasa po ako sa inyong tugong.
God bless po Atty.