Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

question about just causes for termination

Go down  Message [Page 1 of 1]

elmerdemesa1711


Arresto Menor

Hi Good day po!

Bago lang po kami sa work namin, isa siyang call center. Ang live in partner ko po ay nasa training pa, samantalang ako nasa production/operations na. Ako po ay na confine dahil sa mild stroke. Dahil wala po mag aalaga sa akin, umabsent po ang wife ko from February 21 up to Feb 26 which is the day na madischarge ako sa hospital. Na notify naman po namin yung company and they responded. Nag request din po kami if pede malipat sia ng ibang training class kasi alam namin na mahalaga ang bawat araw na wala siya. Sabi po ng company, di daw po yun option. So nag eeffort po ang wife ko na maghabol ng mga topics para maging equipped din siya bago mag take in ng calls. And then yesterday, inabotan po siya ng papel na NOTICE TO EXPLAIN. Part po ito ng due process nila bago mag terminate ng employee. Although wala pa pong decision, sinabihan po kasi siya na FINAL NOTICE ang magiging decision which is yun ang level bago Iterminate. Ang sabi po nila, hindi daw valid ang reason niya na magbantay sa akin dahil hindi pa kami legally married. Ang tanong po namen eh, tama po ba ang bigat ng parusa sa kanya? Pede po ba kaming kumuha ng Affidavit ng Co-Habitation para lang mapatunayan na kami ay nagsasama bilang magasawa simula 2008? Pwede rin po ba na kumuha din ng certification sa Barangay para lang mapatunayan na kami ay nagsasama bilang mag asawa? Ang mga medical documents ko po ay ready at kumpleto. Gusto lang po namin magpatulong sa usaping legal dahil papaano po kung magkaroon ulit ng emergency situation at umabsent siya uli, e di automatic terminated po siya? May hearing po kasi siya sa Monday kaya nagbabasa basa na din po ako sa Labor Code.

Maraming maraming salamat po. Mabuhay kayo

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum