2 years ago nag work po kami sa lending company na pag-aari ng 2 pinoy na magkapatid, nagkaron ng time na nalugi yung company kaya nag retrench cla ng half of employee. Kami naman na natira pinag trabaho pa rin para raw sa survival ng company, pero after 4 months nag advice ung 2 may-ari na need na raw isara ung company. Ni-require nila kami na mag pasa ng resignation letter tapos binigyan naman kami ng promisory letter na babayaran kami sa last pay namin pati yung deducted taxes sa salary na di nila nai-remit for the last 4 months, nakalagay din sa letter na hintayin lang raw namin pag nagka pera from other collectibles saka sold assets.
Until know wala kami nakukuha, okay naman yung status nung isang amo namin kasi meron pa rin cyang company na pinapa takbo then yung isa naman stable din sa iba nyang incomes. Nagpa-follow up kami kaso lagi nila sinasabi wala raw silang maibabayad, yung iba naman sa min nag try mg demanda kaso during hearing matigas raw talaga yung magkapatid.
Gusto ko sana malaman kung ano yung una ko na gagawin para makapag complain kasi bago lang sa kin yung ganitong legal actions. May mga nababasa ako na magpunta raw ako sa DOLE, NLRC saka mga public attorney kaso di ko talaga alam kung ano dapat unahin
thanks in advance for your advices and sorry pala kung mala novela itong post ko
poor_employee