Kung inyong mamarapatin meron lamang ho akong kaunting katanung sa trabaho at batas. Isa ho akong regular na empleyado ng isang Japanese Company in Mariveles, Bataan. MITSUMI Phil. Inc. Wala ho akong gaanong alam sa batas ng labor pero bilang isang empleydo o manggagawa sa aming kompanya ng MITSUMI may parang hindi ho tamang nangyayari.... May mga empleyado ho kami kung tawagin ay mga DTS (Dual Training System). TESDA "Training" ho diba? Ang Tesda Training ho ba kailangan abutin ng 2years (dalawang taon?) sa aming kompanya ng mitsumi, kakaunti nalang ho ang empleyado na regular o contractual, dahil ho halos 90 percent ng man power ng Mitsumi Phil Inc ai TESDA. Sa tingin ko ho ai pag'aabuso na ho ito sa karapatan ng pagtatrabaho. Oo maganda kasi nabibigyan ho sila ng trabaho pero tama ho ba na sumasahod lamang ng 250 plus a day/? kpag natapos walang makukuha? walang SSS at walang kahit na anung benepisyo. napakaganda nga ho ng programang ito at maraming nabibigyan ng trabaho. Subalit tama ho bang dalawang taon silang magtatrabaho as trainee sa kakarampot na kita. Ang pinupunto ko ho dito ai bakit ho pinapayagan ng gobyerno ang ganyang pamalakad? may nabasa ho ako sa aming company rules na ang mga TESDA ay 5 to 6 months lamang ang training pagkatapos ay eevaluate ito for contractual. 2years ho bago icontractual pro malabo pa ho iyon. 1:100 ho ratio ng contractualization. ang aming naturang companya ai Puro TESDA Trainee nalang ho ang hinahire as TRAINEE na sumasahod ng 250 plus. nakakatipid ho sa Kompanya ng gastusin pero kawawa naman ho ang mga trainee TESDA na halos hindi trainig ang kanila pinasok kundi trabaho na kaparehas ng mga regular na empleyado sa aming Kompanya.
Salamat ho sa pagbasa, nawa at makarating ho ito sa kung sino ang nararapat na makabasa nito. Hindi ho againts sa gobyerno ang akin lamang ho ay maging patas tayo sa ating mga KAPWA, bilang manggagawa sumasahod ako ng 360 per day sa aming kompanya kung susumahin sa pang'araw araw kulang pa ho iyon. ano pa ho ang mga TESDA Trainee..
Salamat ho..