Ganito po ang sitwasyon ng father ko:
Nag-apply po sya sa Company A months ago. Natanggap sya pero hindi sya nakaalis dahil sa medical problems.
A few weeks ago, sinubukan nyang mag-apply sa panibagong kompanya (Company B). OK naman ang lahat at ang nire-request na lang sa kanya ay ang passport at seaman's book nya. Bumalik sya sa Company A para i-request na ibalik 'yung passport at seaman's book nya.
Sa tuwing pupunta sya dun ang sagot sa kanya ay "hinahanap pa." "may tatawagan pa bago i-release." or "mag-text na lang po kayo ulit."
More than a week na po ang nakakalipas at ganun pa rin po ang sitwasyon.
May legal action na po bang pwedeng gawin ang tatay ko para makuha na nya 'yung passport at seaman's book nya?
Thank you in advance kung may makakasagot man po nito.