Magandang araw po! Just wanted to ask for a legal advice regarding our situation:
1. January 2012 nagrekalamo po kami sa Brgy. regarding our neighbor dahil sa pagmumura sa aking ina gamit ang videoke at pinagbabato ang aming bahay, napagkamalan po kasi na kami ang nagreklamo sa pulis ng walang patumangga nilang pag-iingay sa videoke mula alas 10 ng umaga hanggang alas tres ng madaling araw sa kabila ng ordinansang panglungsod na naglilimita ng paggamit nito (hanggang alas 10 lang ng gabi).
2. Una pa nga po pala sa insidenteng ito naireklamo na din namin sila sa araw-araw na pagsisiga ng basura kaya kami lang daw ang may kakayahang magreklamo sa pulis.
3. Bilang ganti po ay inireklamo naman nila kami na lumagpas daw ang bakod ng aming bahay sa kanilang bakuran.
4. Nagharap po kami sa brgy. at naayos naman lahat, humingi po sila ng paumanhin sa aming ina upang hindi na mai-demanda at nangako na hindi na uulitin ang kanilang mga ginawa. Hindi na din po nila itinuloy ang reklamo sa amin.
5. Subalit makalipas lamang ang mahigit isang taon pinagpatuloy na naman nila ang pag-sisiga ng basura, patuloy po kaming nakiusap na ito ay tigilan dahil kami ay may mga hika. Subalit wala po silang paki-alam kahit kami daw ay mamatay karapatan daw nilang gawin ang kahit ano sa kanilang bakuran dahil iyon ay kanilang pag-aari. Mabuti na lang po at may batas na nagbabawal sa pagsusunog ng basura at higit pang pinagtibay ng isang ordinansa sa lungsod kaya sila po ay amin ng isinumbong sa CENRO noong November 2013. Napahiya daw po sila sa aming ginawa dahil sila po mismo kasi ay nagtratrabaho sa aming munisipyo (under casual employment at hindi permanent)
6. Bilang ganti po muli na naman nila kaming inireklamo sa aming brgy noong Enero dahil sa lumagpas na bakod sa kanilang ari-arian. Ito po ay katulad ng una nilang reklamo sa Brgy na dinismiss na dahil hindi din nila itinuloy yung nauna.
Ang tanong ko po:
1. Hindi po ba maituturing na parang double jeopardy na ang kanilang reklamong ginawa? Ito rin po yung unang kaso na dati na nilang inireklamo sa Brgy. pero hindi din nila itinuloy kaya dinismiss na lang. Ang problema naman po kasi sa aming Brgy hindi po nila nailagay ang detalye ng aming unang mga naging kasunduan. Kampante naman po kami na hindi nila iyon mapapatunayan dahil nung una pa man ay inamin na nila na gawa gawa lang nila iyon para makaganti sa amin at higit sa lahat ni hindi po nadaanan ng ginawa naming bakod ang mohon nila bagkus ay nakapasok pa sa kanilang bakuran.
2.Kailangan ko pa bang harapin ang naulit na reklamo sa Brgy?
3. Ano po kaya ang mainam namin na gawin sa ganitong uri ng kapitbahay? puede po ba namin silang idemanda dun sa una nilang ginawang pagmumura sa aking nanay at pambabato sa aming bahay? Hindi po kasi sila taong kausap dahil kahit nagkasundo na nga nung una ay gumawa na naman sila ng panibagong gulo at ngayon ay sinasabi na hindi naman talaga sila ang bumato sa aming bahay.
Taong 2000 pa po kami pinipirwisyo ng mga taong ito at hanggang ngayon ay hindi kami tinitigilan. Hangad ko po na sana kami ay inyong matulungan. Maraming salamat po!