tapos galit na sinabi ng kapit bahay namin na lumagpas na daw sya sa sukat ng bahay. Pag talikod nya sinabi nya ito at narinig ng trabahador namin..Nagtimpi ang kapatid ko, nanahimik sya sa kabila ng pang-aalipusta samin."Pinagkakalat nya din sa mga kapitbahay namin na lahi daw namin ang mapagkamkam ng lupa pero dahil sa matanda ang kaaway nya eh di sya kumibo. "Sinabi ng kapatid ko kay mama ang tungkol dun at nag-away sila ng lalaki sa facebook asking him bakit sinabi nya un. Nasa US kasi ang parents ko..sinabihan nya si mama na "tanga ka" at "tanga tanga ka talaga", "di mo matanggap ang totoo na nasa dugo nyo na ang kaswapangan". Nagalit ang kapatid ko dahil para sa isang anak na never nya narinig ang mama namin na nagmumura eh naniniwala syang mura ang "tanga". Sa sobrang galit ng kapatid ko "pinagbabato nya ang bahay ng lalaki at may hawak na itak at sinabing papatayin sya". Di nya nalapitan ang lalaki dahil inawat na namin sya. Umiiyak sya sa
sobrang galit dahil nanay nya na daw ang dinamay. Ngayon nakademanda ang kapatid ko ng oral defamation,light threat at malicious mischief for the damage (P 2,000).
Questions:
1.)I would like to ask po if ano ang pwede naming idemanda sa kapitbahay namin ng sinabihan nya ang aking kapatid na "lahi nyo talaga ang magkamkam ng lupang di inyo"?
2.)Sa pagkakalat
nya din sa mga kapitbahay namin na lahi daw namin ang mapagkamkam ng lupa na di amin, ano po ang pwedeng grounds?
3.) At ano po ang magiging penalty ng kapatid ko sa mga nakasampang kaso sa kanya?
4.) Pwede po ba mapawalang sala ang kapatid ko?
Thank you po.