Nun naman pong lunes, Jan. 27, 2014. Nakatanggap ako ng sulat sa koreo galing sa kanila. Demand letter po iyon na nagsasabi na kailangan ko magbayad at kung hindi ko yon magawa sa loob ng 10 araw pagkatanggap ko ng sulat, mapipilitan daw po sila na gumawa ng legal action laban sa akin.
ANg ginawa ko po ay nag-email ako ulit sa kanila, sa email address na nakalagay sa sulat, apti na rin sa HR pero hanggang nagyon di po sila suamasagot. Gusto ko lang po maliwanagan kung ano yung dapat kong bayaran. Pero walang sumasagot sa akin. Natatakot po ako na baka totohanin nila yung banta nila. Magbabayad naman po ako, gusto ko lang po malinaw, dahil di naman pwede na magbayad ako ng di ko naintindihan.
Binasa ko po ulit yung kontrata ko sa kanlia. At wala pong nakasaad doon na magbabayd ako kung di ko ito natapos. Isa pa, sabi sa email pag di ako nagreply, pero nagreply naman po ako kaya bakit nila ipinadala pa rin yung demand letter.
Maaari po ba taaga kong mademanda dahil po dito? Sana po masagot nyo ang aking tanong.
Kung totoo po yung nasa sulat, may hanggang Feb.7 na lang ako para magbayad.
Salamat po.