1. NAIS IPAALALA NG PAMUNUAN SA LAHAT NG EMPLEYADO ANG MGA TALATA O PARAGRAPH NA NAKASULAT SA REGULAR EMPLOYMENT CONTACT O PROBATIONARY CONTRACT NA INYONG PINIRMAHAN NOON KAYO AY MAGING EMPLEYADO NG STANPLAS AY ANG MGA SUMUSUNOD:
A.NA ANG ISANG EMPLEYADO NG SXXXXXX AY SAKOP NG LAHAT NG UMIIRAL NA BATAS AT REGULASYON NG KUMPANYA AT SUSUNOD SA LAHAT NG ASSIGNMENT O UTOS NG KANYANG SUPERIOR (NAKALAGAYSA UNANG PAHINA #3 NG KONTRATA);
B.NA ANG ISANG EMPLEYADO AY PUMAPAYAG NA IBIGAY ANG KANYANG ORAS AT SERBISYO SA MAAYOS AT SATISFACTORY NA PARAAN SA KUMPANYA AT PUMAPAYAG NA MAG TRABAHO NG NIGHT SHIFT O KUNG ANONG ORAS KINAKAILANGAN AT HINIHINGI NG TRABAHO AT KUMPANYA ALINSUNOD NA DIN SA UTOS NG KANYANG IMMEDIATE SUPERIOR
2.AYON NA RIN SA NAKASAAD SA ITAAS NA ANG EMPLEYADO AY SUSUNOD SA MGA UTOS NG KANYANG SUPERIOR, ANG KUMPANYA AY NAGTATALAGA NG MGA KARAGDAGANG DUTIES O GAWAIN SA MGA EMPLEYADONG MAAARING GUMAWA NITO DAHILAN SA MGA SS:
A.ANG EMPLEYADO AY NASA PAREHONG LUGAR KUNG SAAN MAAARING ISABAY ANG KARAGDAGANG TRANSAKSYON. HALIMBAWA: DELIVERY AT COLLECTION
B.ANG EMPLEYADO AY WALA NG TRABAHO O GAWAIN NA MAAARING ISAGAWA SA ARAW NA IYON SA HALIP NA UMUWI NA LAMANG AY MAAARI ITALAGA SA KANYA ANG PAGSASAGAWA NG MGA IBA PANG GAWAIN NA MAAARI NIYANG GAWIN ALINSUNOD NA RIN SA IUUTOS NG KANYANG SUPERIOR MAGING ITO MAN AY HINDI NAKASAAD SA KANYANG JOB DESCRIPTION.
3. SA MGA PAGKAKATAON NA ANG ISANG EMPLEYADO AT NATAPOS NA ANG DUTIES O GAWAIN NA ITINALAGA SA KANYA SA ARAW NA IYON NGUNIT MARAMI PANG ORAS BAGO MATAPOS ANG ORAS NG TRABAHO SA ARAW NA IYON O WALA PANG MAPATRABAHO SA KANYA ANG KANYANG SUPERIOR , AY MAAARING PUMILI ALINMAN SA OPTIONS SA IBABA:
A.TATANGGAPIN NIYA NA MAAARI SIYANG UTUSAN NG KANYANG SUPERIOR NA GAWIN ANG ISANG GAWAIN NA MALAYO SA KANYANG DUTIES NGUNIT MAAARI NIYANG GAWIN O KAYA NIYANG GAMPANAN. AT SA ORAS NA TANGGAPIN NG EMPLEYADO ANG DAGDAG NA TUNGKULIN O DUTIES, AY NARARAPAT LAMANG NA GAWIN NIYA ITO NG MAAYOS UPANG SIYA AY HINDI MAPATAWAN NG KAUKULANG DISIPLINA NA NAAAYON SA BATAS NG KUMPANYA.
B.SA PANAHON NA TANGGAPIN NG EMPLEYADO NA GAWIN ANG UTOS NG KANYANG SUPERIOR AY NARARAPAT LAMANG NA SUNDIN NIYA AT TANGGAPIN NA SIYA AY MAAARING PAUWIIN ALINSUNOD SA " NO WORK. NO PAY POLICY" NG KUMPANYA
Ako po'y delivery helper sa aming kumpanya. Pero po, ginagawa po akong delivery driver / collector messenger / machine operator / utility / production crew. Tama pa po ba ito? Dahil iyan po ang nilabas nilang bagong memorandum kaya wala na raw po akong karapatang magreklamo. Sana po ay matugunan ninyo ang aking hinaing tungkol dito.
Salamat po sa inyong pag-unawa.
Gumagalang,
Pedro MXXXX
XXXXXXXXXXX.,