Saan po ba maaaring kumuha ng LEGAL SEPARATION AGREEMENT FORM?
kasi po mahigit 3 taon na kming hindi nagsasama ng aking asawa. nasa akin po ang 2 naming anak. bilang ama ako lamang po ang magisang bumubuhay sa aming mga anak sa loob ng 3 taon. Hindi din po nagbibigay ng tulong-pinansyal ang aking asawa kahit na naghahanapbuhay po sya sa isang private company sa Makati.
Ang nais ko po sana ay maayos ang aming paghihiwalay at magbigay say ng tulong-pinansyal para sa mga bata.
ang aming mga anak ay 3 at 5 taong gulang pa lamang.
salamat po sa advice.