Hihingi po sana ako ng payo at paliwanag ninyo tungkol sa problema ko.
Na hire po ako ng isang kompanya as Accounting Manager para sa isang Project nila. Ang term po ng contract nila is 18 months.
Sa contract po ay walang specific duties and responsibilities pero nakasulat don:
10. The EMPLOYEE shall perform any and all duties corresponding to the position and any other duties as are customarily performed by the one holding such position with the EMPLOYER or with similar business enterprise or activities as the EMPLOYER.
After mahigit 5 months po ay nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan ng Presidente ng kompanya na lumala. Yong Project Manager ay nag offer sa akin ng one (1) month salary kahit di na daw ako pumasok kapalit ng aking voluntary resignation. Sabi kasi nya para di na raw lumala ang sitwasyon at graceful exit na rin para sa akin.
Di ako pumayag at nag negotiate instead (through email) ng 3 months salary dahil mahigit pa one (1) year ang natitira kong contract.
Hindi nila sinagot ang email pero nag hire sila ng outsource Finance Controller na ang isa sa mga trabaho ay:
"Necessarily, I am also fully authorizing them to have access, to manage and otherwise handle our accounting, payroll and other finance related matters at Site."
Ang mga trabaho pong ito ay syang ginagawa ko sa kasalukuyan.
Ito po ba ay isang implied na paraan para tanggalan ko ng trabaho? Ito po ba ay nag violate sa terms and conditions ng aming contract? Ano po ba ang magagawa ko sa mga ganitong hakbang ng kompanya?
Maraming salamat po.