Good day po! Bago lang po ako dito at umaasa po akong matutulungan nyo. May anak po akong 9 years old na sinaktan ng isang teacher sa pinapasukan nyang iskwelahan na nagresulta sa pagkakaron nito ng mga pasa sa braso, na ipinamedico legal ko, bilang pagsunod sa payo sa akin ng pulis na kumuha ng salaysay ng anak ko sa head quarters sa Muntinlupa, kung saan inereklamo ko ang pangyayari, sa kadahilanang walang guro sa paaralan ng magpunta ako doon. Kinabukasan ko na po nadala ang salaysay sa Prosecutor's office. Nakarecieve po ako ng subpoena pagkalipas ng isang buwan at nagharap kami ng guro sa opisina ng prosecutor kasama ang aking anak , kasama naman po ng teacher ang Principal ng iskwelahan at binigyan ako ng kopya ng counter affidavit ng teacher at sinabihan na for resolution na. Makalipas ang mahigit isang bwan ay nakatanggap ako ng sulat mula sa baranggay na kami ay paghahahrapin ng teacher na nanakit sa anak ko na pinuntahan ko naman, nang una ang sabi sa akin ay 3 ulit kami maghaharap sa branggay at pag hindi kamo nagkaayos ay pwede na ko magfile ng kaso kung saan bibigyan ako certification to file a case,pagkalipas ng 2 linggo ay muli kaming nagharap sa baranggay at naireset sa 3 ulit ang hearing. Ngayon po ang inaasahan kong huling paghaharap namin. Pero pagdating po sa baranggay ,ang sabi po ng lupon ay hindi pa daw po huli iyon,bagkus ay unang araw pa lang at may susunod pang 2 beses na paghaharap, kahit may nauna nang paghaharap kami ng 2 beses bago ngayon. Gusto ko na po isampa ang reklamo ko sa korte, wala po akong nakikitang pagsisisi o man lamang sa nanakit sa anak ko, at pinapalabas pa nilang nagsisinungaling ang anak ko. Pakiramdam ko po ay niloloko pa ako ng baranggay dahil nagiba ang sinabi nila sa akin at tila pinapanigan nila ang nanakit sa anak ko dahil imbes na ako ang turuan nila kung ano ang gagawin ay hareapan pong ang kabilang panig ang tinuturuan nila, pati ang pagpunta sa bahay ko. Samantalang ako na umaasa na ngayon ay makakpagfile ng kaso ay di man lang nila sinabihan ng totoong proseso, inaasahan ko na ngayon ang huli naming paghaharap pero nadagdagan pa 2 pa,na tila mas binibigyan nila ng panahon at pabor ang nanakit na teacher sa anak ko.Sana ay maenlighten nyo ako sa tamang proseso at kung ano ang aming mga karapatan. Maraming salamat po.