Gusto ko po sana humingi na advise sa nangyari saming mag anak kahapon. nakamotor po kami papuntang church binangga po kami ng isang motor ni cut nya kami at kahit mabagal ang takbo namin natumba kaming mag anak ang anak ko po ay 4 years old, meron po kaming mga scratches at nauntogt din ang anak ko. ang nakabangga samin ay isang teen ager 16 years old at walang drivers lice nse. humingi sya ng sorry samin kasi pero sa initial reaction ng asawa ko nasuntok nya sa mata ang bata. dahil sa nangyari hindi na kami nagsumbong sa pulis at sinabi namin sa bata na ipagawa na lang ang motor namin ok na samin yun as settlement at since na scratches lang naman ang nangyari at ayaw nya rin kasi ipaalam sa parent nya ang nangyari kaya naawa naman kami. iniwan namin ang bata ang sabing babalikan nalang since mag church nga kami. nung hapon pina quote namin ang sira ng motor para masabi sa bata ang halaga at nag punta kami dun s bahay nila pag dating namin dun andun pala ang nanay nya at pina diretso kami sa pulis para dun mag usap, yun pala nireklamo na nila ang asawa ko as physical injury and child abuse. pinamedico legal nila ang bata at kelangan daw i citiscan kaya pinacitiscan namin clear naman po ang result ng citiscan pero kinagabihan pag uwi namin yung anak ko nag sabi na masakit daw ang ulo nya kaya nag pa medico legal na din kami kagabi at kelangan din i citiscan ng anak ko at nag report nag pa blotter na din kami sa barangay kagabi. ang tanong ko po ano po ang pde namin i counter sa kanila since ang ugat ng lahat ay yung bata na bumunggo samin walang license at walang papers ang motor. really need your advise today po kasi mamaya po kami mag uusap nung nag rereklamo samin. SALAMAT PO