Matagal na po akong empleyado ng isang school walang record ng masamang ginawa, noong nakaraang 3 taon nagpalit ng directress, at ang directress na ito ay maraming sinilip sa mga dating ginawa ko na approbado ng mga naunang directress. ito ang pinagsimulan ng chismis. masasabi kong chismis dahil wala naman pong formal na complain, hindi rin po ako pinagexplain.
Taon taon nag bibigay ang may ari ng mga regalo sa lahat ng empleyado(twing pasko), itong taon na ito, dalawa kaming hindi nabigyan. parehas kaming parehas kaming pinagiinitan sa naturang school. Nang aming itanong sa isang meeting kung bakit ang iba meron at kami ay walang natanggap, ang sabi lang ng directress wala daw binigay ang may ari ng school sa aming dalawa. Kaso alam ko na meron kasi nung dumaan sila sa gate ang dami nilang bitbit mga 11 na supot.(maliit na school lang po 7 guro, 2 utility, 2 office)
Sa tagal ko sa school na ito, hindi ganun ang pagkakakilala ko sa may ari, bihira lang po kasi magpunta ang may ari ng school sa amin, pinaubaya nya na kasi ang lahat sa bagong directress. Nag rerequest nga po ako na makausap ang may ari para lang maexplain or malaman mismo sa kanya kung totoo.
Ang tanong ko lang po ay may batas ba ukol sa ganitong situation?
Masyado na po kasi kaming ginigipit ng bagong directress to the point na gusto ko nang magresign sa sama ng loob.
salamat po sa lahat ng sasagot! mabuhay po kayo!