Nasa ika-3 buwan palang ako sa aking kasalukuyang trabaho. Bagong empleyado kumbaga. At dahil bago palang ako, pinipilit ako ng mga kasama ko sa opisina na manlibre, araw-araw itong nangyayari, ngunit ayaw ko po. At dahil hindi ako makapanlibre, tinawag nila akong "walang pakikisama", belekoy, at "nuknukan ng kunat". At sa aming christmas party. Pinipilit nanaman nila akong sumayaw o kumanta. Ngunit akin itong tinanggihan. Sa kabila ng aking pagtanggi, patuloy parin nila ang kanilang pamimilit sa akin, kung hindi daw ako sasali sa ganung aktibidad, makakarating daw sa mga boss at akoy ipapatawag para mag explain, at dahil hindi pa ako regular na empleyado, makakaapekto daw ito kung akoy ireregular o hindi.
Hindi ako kumportable sa kanilang pamimilit, at nagiging offensive na para sa akin. Umaabot na sa puntong nagdadahilan nalang akong ng kung anu anu para makapag leave sa opisina.
Wala naman akong balak na magsampa ng kaso. Magreresign na po kasi ako, at gusto ko lamang maipabatid ng maayos sa aking employer kung anu ang dahilan ng aking pagreresign, upang kanilang magawan ng paraan, at hindi na maulit muli sa iba pang magiging empleyado nila.
Maraming salamat po.