Ako po ay nagenroll sa isang language school mahigit isang buwan na ang nakalilipas para matuto ng dalawang bagong lenguahe at pinili ang weekends afternoon na schedule (dahil ako ay nagtatrabaho m-f at minsan pumapasok ng gabi).
Sa registration from po, ang sabi ay kailangan ng at least 3 students (with the same sched preference) para mabuo yung klase at kung hindi mabuo yung klase after 1 month nang pageenroll eh, pwede kaming magkadiscount para magkaron ng 1 on 1 class (but yung fee ay sobrang mahal kung kukumpara sa promo rate na nakuha ko [1on1 rates: 30h-mahigit 25,000 at 60h mahigit 40,000 v mahigit 6,000 para sa 30h at mahigit 10,000 para sa 60h na promo]).
Nung nag orientation kami, nagbigay yung Manager at receptionist ng schedule para sa simula ng klase ng Nov 23rd.
Nung malapit na ang araw na yon, tumawag ako sa language school at kinumpirma kung tuloy ang klase ng araw na yun (wala akong natanggap na kung ano mang update sa kanila).
Sabi nung receptionist, hindi daw matutuloy ng 23rd dahil kailangang umuwi ng instructor sa probinsya nila.
Mahigit isang buwan na ang nakalilipas at hindi parin ako nabibigyan ng schedule. After nung 23rd, nakakuha ako ng tawag mula sa receptionist at tinatanong kung pwedeng Friday 6-9pm nalang. Dinecline ko ito dahil hindi ako makakaattend ng ganitong oras.
A few days later, tinanong din nya if pwedeng Saturday and Sunday 6-9pm, sabi ko hindi pwede ng november 30th pero kung sunday magsisimula ay ayos lang.
After non, hindi na sila tumawag uli. Tinawagan ko sila ngayong linggo at tinanong kung anong nangyari. Biglang sinabi ng receptionist na ginawa nilang MWF ang pasok ng 6pm-9pm.
Kinontak ko ang Manager nila para iraise yung nangyari, dahil mahigit isang buwan na at wala parin akong schedule.
Binanggit nya na pwede ako mag one on one but sabi ko ayoko dahil sobrang mahal. Nung tinanong ko sya kung bakit hindi nalang nila irefund yung ibinayad ko, ang sabi lang nya ay wala syang authorisation para sa refunds.
Walang nakalagay na no-refund policy sa registration form ko at yun lang ang papel na pinirmahan ko nung nagenroll ako sakanila.
Twing na oopen ko yung tungkol sa refund ay tila ayaw nila magkomento (receptionist at yung manager).
*Bago ako magenroll, tinanong ko sila kung may klase ng weekends na magsisimula na at sabi nila oo. Dalawang beses pa akong tumawag sakanila bago pumunta sa opisina nila para tuluyang mag enroll.
*80% of the time, ako pa yung kailangang kumontak sakanila para magkaroon ng update.
*Ako pa lang (simula nung october) ang nageenroll sa isa dun sa 2 lenguahe na gusto kong matutunan ayon sa receptionist nila.
*Nagbigay sila ng schedule ng Nov 23rd, at nabawi lang dahil sa pag uwi ng instructor sa probinsya.
Kung ayaw po nila irefund and ibinayad ko, pwede po ba silang kasuhan or pasok po ba ito sa refund policy?