hingi po sana ako ng payo. May family friend po kami na kung saan naka hiram po sila ng pera sa amin. ang naging kasunduan po nuon eh monthly na lang sila magbigay (kasi nga po family friend, pumayag po ang tatay ko). ang kasulatan lang po na pinirmahan nila eh "trust reciept" lang. hindi nman ganun kalaki yun nahiram nila. nuon po monthly po nagbibigay po sila, pero dumating po ang panahon na hindi na sila nakaka pag bigay, so kinausap po sila ng mga magulang ko, pero hindi pa din po sila nagbigay' hanggang sa nagdesisyon ang nanay ko na humingi ng tulong sa barangay. sumipot po sila sa barangay nun pinatawag po sila at nangako na magbabayad pero hindi pa din sila nagbigay. ngayun po ang ginawa nila eh nag blotter sila sa munisipyo ng "falsification of documents" against sa mga magulang ko. ang sabi po nila eh pumirma daw sila sa blank document na hindi nman totoo. yun pong mga resibo nag pagbibigay nila ng monthly eh tinapon na din kasi ng tatay ko kasi nga po tiwala nman siya na magbibigay pa din sila tsaka hindi niya inisip na hahantong sa ganun na siya ang kakasuhan. nagpiyansa nga po ang mga mgaulang ko dahil meron pong warrant na inilabas against sa kanila. hanggang sa kasalukuyan po ay dinidinig ang kaso na iyon sa lokal na hukuman sa amin.