ang lolo ko po ay nagmamayari ng lupa na balak na po nya ipagbili dahil tumatanda na po sya at kailangan na ng panggastos sa gamot. ang gusto po sana mangyari sa kada mabebenta sa halagang 50K, sa bawat pitak ng lupa, ang gusto po ng lolo ko ay ang mga bumili na ang magpatitulo ng lupa na kanilang nabili.
ang tanong ko po, ok lang po kaya na simpleng kasulatan na lamang na pirmado ng bawat partido, o kailangan pa pong dumaan sa abogado at notaryo publiko ang ganitong mga cases. ang iniiwasan lamang po ng lolo ko ay ang gastos sa pagpoproseso. hindi po kami mayaman at walang pantustos kaya ibinebente na ang lupa.
sana po ay may tumulong sa kaing maliwanagan ukol dito at kung ano po ang nararapat naming gawin.
maraming salamat po.
Vanessa Ilagan