Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Subdivision developer problem (39k naging 280k) Please help po.

Go down  Message [Page 1 of 1]

valmactal214


Arresto Menor

Hello po, Good day po sa inyo, bago lang po ako dito sa forum na to. Nagtatrabaho po ako sa dito sa saudi. May gusto po akong ihingi ng payo sa inyo. May kinuha po akong bahay at lupa sa isang subdivision samen. Ang halaga po nito ay 550k. Nagdown po ako ng 50k dito. ang contract namin is ganito bale magrerent muna kami ng 1year (5k / month) bago iprocess sa pagibig fund. pero yung rent namin na 5k / month is mababawas daw po ito sa total price ng bahay. Nung nagapply na po ako sa pagibig nun, bale tumagal po ang proseso. Sa madaling salita 33months na po kaming nangungupahan saka lang po naaproved ang pagibig loan ko na may halagang 352K . Ang problema na po ganito

50K = downpayment
352K = pagibig approved amount
165K = 33x5k / month

567K = total

Yan na po ang computation ko. Bale po lagpas na po ako sa 550K na value ng bahay at lupa tpos po, bigla nilang pinatawag mother ko at may binigay na computation na bago kasi nga daw yung 1year lang ang dapat na rent namin after daw ng 1year yung mga na rent namin is 3k lang daw ang ile-less sa total amount ng bahay at ang 2k ay rent na daw yun so sa madaling salita pumayag na ako, bale ang computation po nila is may balance pa akong 39k at payable po ito sa two gives may pirmahan pa po sila ng mother ko sa abogado na katunayan na may balance akong 39k as equity. After that pumalya ako sa tinakdang araw ng pagbabayad kasi po ndi ko kayang two gives so nagkasundo po ulit kami na 5k na lang monthly, Habang naghuhulog po ako sa balance kong 39k, inaayos na po namin ang pagibig loan. Nung nakadalawang hulog na po ako ng 5k, nasa last step na din po kami sa pagaayos ng pagibig loan para mairelease ang payment ng pagibig saknila pinatawag na naman po nila ang mother ko at bigla pong hiniram ng developer sa mother ko yung title ng house and lot (the title is under my name already)at hindi na nila binalik. after po nun, naglabas na naman po sila ng bagong computation, sa sobrang tagal daw po ng process at pagbabayad ko ito na daw po ang naging interest is 280K na po ang utang ko saknila. from 39K na equity naging 280K na po at ang sabi nila kund ndi daw ako papayag na magbayad dito ipapacancel na lang daw nila yung pagibig loan ko. (hindi na din po namin maprocess sa pagibig kasi hawak nila title)

ito po mga tanong ko;

1. Dapat po ba akong magbayad ng 280K na sinasabi nila?

2. Hindi ko po kasi kayang bayaran itong ganito kalaking halaga, let say ipa-cancel nila sa pagibig applications ko may laban po ba ako dito kung halimbawang i-demanda ko sila?

3. May karapatan po ba akong magdemanda? Kung halimbawang meron ano po pwedeng ikaso ko saknila? at mababawi ko pa po ba lahat ng mga nahulog ko saknila? gaya ng 50k downpayment ko at ang 33months na hulog ko saknila.

4. Hindi ko na po alam ang gagawin ko
Kung kayo po nasa kalagayan ko? ano gagawin nyong hakbang?


Yun lang po, sana po matugunan nyo itong problema ko.
magaantay po ako. God bless you po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum