good day! kelangan ko po ng advice re: a friend's personal loan. may pinagkakautangan po siya na sobra sobra ang ipinatong na interest (20% per month) at pinatulan naman po niya ito dahil talagang kelangan niya po yun pera nung time na yun. nag-start po yun loan niya nung january 2013, at nakapaghulog na ng 16k (interest pa lang po yan) out of the 20k (capital) na hiniram niya. i am willing to help her, pero gusto ko po makipag-negotiate duon sa loan shark. what im willing to pay this loan shark is 15k, sa sobra sobrang interest niya kumita na siya. pwede ko po bang i-insist that either she takes this 15k and she puts in writing that my friend is fully paid na? eto pong friend ko na to wala na pong ibang naaasahan kundi ako na lang. kung ayaw tanggapin nung loan shark yun alok ko, kahit ipakulong niya o dalhin niya sa korte wala siyang mahihita dito. she's so broke she can't even pay attention. if ever dalhin nila sa korte ito, ano po ang mga pwede namin gawin? hanggang 15k lang po talaga ang maiooffer ko. either she takes it or leave it. meron po palang pinirmahan na papel yun friend ko, she was aware of the interest rate, kaso parang she was taken advantage of. sobrang naaawa na po ako sa friend ko kase she's being bombarded with text msgs na hindi magaganda ang salita. thank you po. sana po may makatulong po sa min. God bless po