Yung mom ko kasi po Nagloan siya sa isang lending company way back 90's. Amounting to 450,000 payable for 5 years. 10,000 monthly, ang kaso po
hindi po siya nababayaran ng mom ko ng sapat minsan po nakakapag bigay cia minsan din po hinde.
nakarecieve po kami ng sulat na may utang po kami amounting to 254,000 at last week po nagpunta po ung sheriff dito sa bahay ng tita ko(nakikitira po kami ngaun sa mga tita ko). ilelevy na daw po ung bahay namin. pinirmahan din po ng mom ko ung papel na dala ng sheriff.
**Yung bahay po namin na ginawa ng mom ko as collateral ay worth 3 million. pero ngaun po nakikitira po kami sa tita ko. ung bahay po namin pinapaupahan namin. may pagasa pa po ba na mawin back namin ung bahay. wala po kami gnun kalaki na halga para mabayaran agad ung lending company.
Questions:
1. mahahabol pa ba po namin ung lupa namin? nasa
kanila po ung title?
2. Hindi po aware ung papa ko na ginawa ng mom ko
na collateral ung lupa, na acquire po nila un after marriage, pero sa pangalan lang ng mom ko.
counted po ba un as conjugal property?
3. nasa bahay po kasi kami ng tita ko, kukuha po ba sila ng gamit dito? o kukunin po nila ung bahay namin na naka collateral?
4. may makukuha pa po ba kami na sum of money o sukli? since ung utang namin sa lending company since mataas ung value ng lupa namin?
Maraming maraming salamat po. More Power!