Nabasa ko po sa binigay niyong link na may "termination JUST CAUSE" and "termination by AUTHORIZED CAUSE". Ano po difference nun?
Ganito po kasi nangyari: 2009 na-employed ako sa ABC company ko. Hanggang training lang natapos ko kasi nag-AWOL ako.
Jan 2014, I received a call from that company at gusto daw ako i-interview for possible work. Pumunta ako sa company na yun, sa Resume ko hindi ko ni-declare sa working experience ko yung ABC Company kasi hindi ko naman natapos yung training so sa tingin ko useless lang. Pero before the interview, sinabi ko sa HR na galing na ko sa ABC Company. Sabi nung nag-assist sakin na ok lang daw yun, ilagay ko na lang daw yung #2 sa profile ko. WHich I did.
Na-hire ako. Nag-training for 1 month. Kinabukasan, Feb 14 2014, nag-uumpisa na kami sumabak sa floor pero bigla ako nakatanggap ng IR/DPF for Possible Falsification of Documents. Feb 15 2014, I gave my written explanation. Sabi nila hintayin ko na lang daw ang hearing. Feb 20 2014, bigla ako nakatanggap ng Termination Notice.
Wala man lang nangyari na Hearing.
I filed grievance kasi ang unfair ng nangyari. Pero 3 months na yet wala pa din ako balita. So nag-complain na ko sa DOLE.
Apr 21, nag-SeNa kami, pero pinagtawanan lang ako ng attorney at yung DOLE rep, sabi eh yung written explanation eh katumbas na ng hearing. Sabi ko, yung taong pumatay nga eh, inamin na niya na siya pumatay, pero dumaan pa din sa tamang process, may Hearing na nangyari.
May point po ba ako? May laban ba talaga ako pag derecho complaint ako?