Kinupit/ninakaw po ng HR officer ang LCD desk clock na christmas gift ng supplier sa Accountant namin. Nabuking ang HR officer nang aksidenteng makita ng janitor namin ang gift wrapper sa waste basket ng HR officer. Ang wrapper po ay may nakasulat na pangalan ng Accountant dahil para sa kaniya po ang gift. Isinumbong ng janitor sa Accountant ang tungkol sa kaniyang natuklasan. Napahiya ang HR officer kung kaya sinauli niya ang LCD desk clock at binalot ito ng bagong wrapper. Hindi na nagreklamo ang Accountant para hindi lumaki pa ang issue. Ang HR ang in-assign para i-distribute ang mga christmas gifts from supplier. Ang ilan sa mga gifts ay may pangalan kung para kanino. Nasa Company Code of Conduct Handbook namin na ang theft of property belong to other persons within company premises ay grounds for dismissal on first offense. Maaari po ba ireklamo ang HR officer ng gross misconduct kahit ng ibang employee? Kasi hindi nag-reklamo ang Accountant.