Meron ako existing loan sa isang bank and actually its my 3rd time na ma-renew yung loan ko. Hindi pa ako naging delinquent but this year nagkaron kami ng financial hardship kaya ilang months na ako di nakabayad.
Last July I requested for a loan restructuring and they require me to pay Php 18,000. Nagawan ko ng paraan makahiram ng pera but August they still require me to pay Php 18,0000. I emailed the collection department na talagang hindi ko na kaya i-raise yung amount.
I told them na for now hanggang di ako nakakabawi financially kaya ko magbayad Php 5,000 every payday so bale Php 10,000 monthly. But the collection department insists na kelangan ko na daw magbayad Php 100,000 this September and another Php 100,000 this coming October.
Tinapat ko sila na mahirapan ako mag raise ng Php 200,000 in two months so sabi ng kausap ko galing ng collection department wala na raw options kundi i-settle na lang daw in court and they will be filing Criminal Case against me.
Sabi ko hindi ko naman tinatakbuhan yung obligations ko. Sana mabigyan nyo ako ng advise. Maraming salamat po.