Gusto ko sana magtanong kung anong pwede ikaso sa client na ayaw magbayad ng security services. Mag ten months na po kami naniningil pero ayaw nila magbayad ilan beses na kami nag padala ng statement of account tinerminate na po namin ang guard dahil hirap na po kami abonohan palagi ang sahod nila. Naguumpisa pa lang po kami na agency imbes na madami pa sana kaming matulungan na guard na mabigyan ng trabaho parang sumusuko na kami dahil sa utang ng client namin. May yung contract po namin na binigay sa client tinago nila di po nila sinosoli samin kaya di po namin napanotaryo. Ano po ba ang dapat naming gawin? Maraming salamat po naway matulungan nyo po kami sa aming problema upang di na dumami ang mga taong manloloko sa kapwa. Salamat po ulit. Aantayin ko po ang inyong advice.