I would like to seek advise. I am a mother of a 7 yr old boy. Hiwalay po ako sa asawa ko dahil nambabae sya at sinasaktan ako, year 2008 nag file po ako ng case against him RA 9262 and abandonment. Lumipad po papunta ng dubai ung asawa ko and have never heard from him since then, wala sya ni singkong duling na ibinigay sa anak ko, never nakipagusap about sa anak ko.
Recently, 2 weeks ago, lumabas po ang resolution ng case at Guilty po sya with recommended bail of 80k. Then, bigla nag email ex husband ko nagsasabi na gusto na nya maging tatay sa anak ko at ibigay ang nararapat para sa bata. ako po, bilang ina, pumayag na makipagusap ng maayos sknya at sa in laws ko. we planned na magkita dito sa singapore with my son for 1 week. since hindi daw sya makauwi ng pinas dahil sa case. Then today, nakatanggap kame ng sulat from court, stating na na-issue na ang warrant of arrest nya. At ngayon nagmamakaawa sila na iurong ko ang kaso.
Ano po ba ang pinaka magandang gawin dito sa sitwasyon na to? tama po ba na nakikipag usap po ako sknila kahit na wala pa kame agreement or settlement? wala po akong balak ipakulong ang ex husband ko. ang gusto ko lang po ma-assure at ma-secure ang sustento ng anak ko at gusto ko sya ang gumastos sa annulment namen.
Tama po ba at safe po ba na makipagkita kame ng anak ko sknya dito sa Singapore? para makilala ng bata ang tatay nya? Hindi po ba nila makukuha ang custody ng anak ko dahil nasa pinas ang bata, at ako po nasa singapore nagtratrabaho para sa anak ko since wala naman po kameng sustentong nakukuha sa asawa ko.
Maraming maraming salamat po sa mga magbibigay ng advice. God bless!